May 29, 2009

May 25 Assembly


May 29, 2009

May 25 Assembly of Philpost Employees


May 29, 2009

May 25 Assembly of Philpost Employees


May 29, 2009

May 25 Assembly of Philpost Employees


COURAGE PRESS RELEASE

May 29, 2009

Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees

POSTAL EMPLOYEES PRESS FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF UNPAID BENEFITS, TO STAGE PROTEST RALLIES NATIONWIDE

QUEZON CITY – COURAGE, the militant national center of government employees, announced today that the 13,000 employees of the Philippine Postal Corporation (Philpost) are gearing for nationwide protests to push for the immediate release of unpaid benefits.

In a statement, COURAGE said the Philpost employees sought their assistance to make public the growing restiveness of the country’s letter carriers. “The list of unpaid benefits is proof of the injustice being inflicted on the employees. This include the 25% of the half of the 13th month pay they are supposed to receive this May; P4,500 of the P10,000 Christmas bonus given in December last year; Unpaid overtime pay for December 2008; the Productivity Incentive bonus; P4,000 Clothing allowance; Letter carriers gasoline allowance and the Letter carriers walking allowance. Majority of the employees here are receiving Salary Grade 1 or Minimum pay of P6,149 a month sans deductions”, Santi Dasmarinas Jr., COURAGE Secretary General said.

The leader stated that a Congressional investigation may be necessary too because while the employees were being deprived of their legitimate benefits, charges of corruption, anomalies and mismanagement also hound the state’s Postal agency.

Based on the information provided to COURAGE by a movement of Postal employees for better courier services for the people, the management under the helm of Postmaster General Hector RR.Villanueva is reportedly involved in the imbroglio, including the Philpost-USA anomaly involving $2 million.

“The Postmaster General, Assistant Postmaster General and Corporate Secretary has afforded themselves a salary/compensation increase of P30,000 per month in March 2008, excessive travels abroad, the hiring of  consultants with P40,000/mo. each salary and anomalous projects supposedly meant to improve and upgrade the mailing services. These and other mismanagement practices apparently has been bleeding the Philpost some P500 million in 2 years alone”.

Dasmarinas added that the management’s insensitivity towards the plight of the employees is appalling considering that it is also poised to expropriate the funds of the employees’ Provident Fund.

“In a bid to replenish the already drained coffers of the agency and appease the employees, the Postmaster General issued a memo to use the Provident Fund to pay some of its obligations. It’s like frying the employees on their own lard. It’s illegal and immoral because the employees’ Provident Fund was primarily established to augment their meager pay”, the leader pointed out.

COURAGE said they will support the Postal employees and their campaign to improve the Postal services. #

Mahigit Dalawang Dekada ng Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo sa Sektor Publiko

National Secretariat, 9A, KF Street, Kamuning, Quezon City, 9262235


PAHAYAG

May 29, 2009

Sa Hunyo 1, mas malakas na ipahayag ang panawagan ng kawani ng Philpost

Benepisyo ng Kawani ng Philpost Ibigay na!

Kawani Kumilos para sa Pagbabago sa Philpost!

Mayo 25 hudyat ng kilusan ng mga kawani ng Philpost para sa kawani at bayan!

Liwasang Bonifacio, Mayo 25, alas-5:00 ng hapon, dumagundong ang protesta ng mga kawani ng Philpost! Magiting na inihudyat ng mahigit 100 empleyado ang kilusan ng kawani para sa mas mahusay na serbisyo sa sambayanan. Mas de-kalidad na serbisyo na ireresulta ng mahusay na kalagayan ng mga kawani at paglaban sa anomalya at korapsyon.

Movement ng Postal Employees para mapaghusay ang serbisyo sa publiko ang binabandila at kinakatawan ng mga kawani mula sa iba’t ibang post offices sa Metro Manila sa makasaysayang araw na ito. Matibay tayong nanindigan na simulan na ang sama-samang pagkilos ng mga postal employees para sa pagbabago.

Katarungan at Pagbabago sa Philpost, ngayon na!

Malinaw, matatag at militante ang panawagan nating mga kawani ng Philpost para sa katarungan at pagbabago. Makatarungang igiit ang kagyat na ibigay na ng Philpost maneydsment ang kumpensasyon at mga benepisyo ng maliliit na kawani. Kasinungalingang epekto ng global crisis ang pagkalugi ng Philpost! Hindi natin tinatanggap ang kasinungalingan at mga banta kapalit ng ating mid-year bonus! Inhustisya na mapahaba pa ang sakripisyo nating mga kawani at ng ating pamilya sa hindi pagbabayad ng ating mga benepisyo. Krimin na maituturing na kakarampot na nga ang ating sweldo, ipinagkakait pa ang ating mga allowances at benepisyo!

Hinahagupit tayong mga kawani ng lumalalang krisis pang-ekonomya sa bansa. Sumisirit pataas ang presyo ng mga serbisyo at bilihin. Magpapasukan pa ngayong buwan. Kulang na kulang na ang ating sweldo sa araw-araw na gastusin, paano pa nating makakayang matustusan ang gastos sa pag-aaral ng ating mga anak?!

Panahon na kumilos tayong mga kawani para sa pagbabago ng kalagayan natin sa paggawa!  Tayo ang pinakamahalagang bahagi  sa mahusay na paggana ng post office. Ang pagbuti ng kalagayan ng mga kawani ang pinakamahalaga sa salik sa pagbangon ng kalidad ng serbisyong kuryer sa bansa.

Biguin ang boladas at pananakot ng maneydsment: ilantad ang katiwalian, pagbabago ipaglaban!

Kung kasinungalingan ang paliwanag ng maneydsment na global crisis ang dahilan ng diumano’y pagkalugi ng Philpost, ano kung gayon ang katotohanan?

Para sa ating mga kawani, mailalantad ang katotohanan kung masisimulan ang seryoso at makatotohanang imbestigasyon sa mga kwestyunable at kadudadudang  mga patakaran at hakbang ng maneydment. Ilan lamang sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. $200M na anomalya sa Philpost USA;
  2. P30,000 kada buwan na dagdag sa sweldo mula Marso 2008 ng mga pinakamataas na opisyales ng ahensya;
  3. milyon-milyong pisong gastos ng ahensya para sa travel ng Postmaster General at matataas na opisyal ng Philpost
  4. gastos sa computerization program daw
  5. gastos sa appointment ng mga consultants
  6. hakbangin na kunin ang pondo nating mga kawani na provident fund;
  7. mga usapin  sa mail operations at money service IT upgrade;
  8. at ang mahabang listahan pa ng mga isyu sa maneydsment sa ilalim ni G. Hector RR Villanueva.

Magkaugnay ang ating panawagan para sa katarungan at pagbabago. Ang pagbabago ng kalagayan ng kawani sa kasalukuyang binubusabos na kalagayan nito ay susi sa pagpapahusay na kalidad ng serbisyo ng post office. Ninanakawan ng serbisyo at pakinabang ang bayan, kung magpapatuloy ang gawain ng ilang mga korap na opisyal na animo’y gatasang baka kung ituring ang ahensya.

Ang Movement ng Postal Employees ay para sa kagalingan ng kawani; laban sa katiwalian at pandarambong; at, naghahangad na mapaghusay ng serbisyo para sa bayan.

Suporta ng mga kapwa kawani at bayan.

Maiinit ang naging pagtanggap sa mga panawagan ng kapwa natin mga postal employees sa buong bansa sapagkat matagal ng hinihingi ng nakararami ang pagkilos. Mulat tayo na sa pagkilos natin mismo nakasalig ang lakas ng  kilusang ito pero dahil makatwiran at makatarungan mabilis tayong umaani ng suporta mula unyon ng mga kawani ng pamahalaan  sa ilalim ng pinakamilitante at pinakamalaking sentrong unyon – ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE). Nagpahayag na din ng suporta ang ilang mga middle managers ng Philpost, mga kaibigan sa media, iba pang mga People’s Organizations, habang sinusulat ang pahayag na ito naghahanda ang mga progresibong at makabayang mambabatas ang naghahanda ng resolusyon para sa imbestigasyon sa mga usapin sa Philpost. Sa matibay na paninindigan at puspusang pagkilos nating mga Philpost employees titibay ang suporta ng mga nagpahayag na at ibayo pang lalawak ang ating hanay.

Tuloy-tuloy na nagkakaisang pagkilos sa buong bansa hanggang sa tagumpay!

Matapos ang Mayo25, kumilos na rin ang ibang mga post offices sa Metro Manila at sa mga probinsya. Nagpasya tayo sa darating na Lunes, Hunyo 1 ilulunsad nating mga postal employees ang isang pambansa koordinadong pagkilos. Dito sa Metro Manila, magtitipon tayo sa Liwasang Bonifacio, alas-singko ng hapon.

Patuloy nating isisigaw at igigiit:

Benepisyo at alawans ng mga kawani ng Philpost, IBIGAY NA!

Ilantad at parusahan ang mga korap sa Philpost!

Philpost: Mahusay na serbisyong postal, hindi palabigasan ng opisyal!